July 12th, 2008

Litrato at Pangarap

Umaga. sinikap pangitiin ang sarili at ilabas ang ngipin sa bukas na bintana ng aking kwarto. kulang sa tulog at masakit na likod, hindi ko alam kung bakit pa rin ako nagrereklamo. late na ako. pero saan?

nag-toothbrush at naligo. wala na akong panahon kumain, kinuha ang camera at iniwan ang telepono. ayoko ng istorbo.

bakit ako nagmamadali. anong araw ba nagyon bakit wala masyadong tao sa kalye. mabilis ang aking lakad na animo'y tumatakbo na. nagmamadali. naghahanaap. tumatakas. pero san?

ang dami kong tanong at wala man lang naglalakas loob na sumagot. isa pang tanong, may nakakarinig ba sa akin? sa hailip na nagtatanong ako sa hangin patuloy nalng akong naglakad at sa wakas nakanahap ako ng magandang puwesto para kumuha ng litrato. maraming puno maraming damo, walang tao,at mga batong may may mga nakaukit na ngalan ng tao. kumportable ako sa simoy ng hangin, pinapakalma noto ang naghahabol kong puso. naghahabol ng hangin at pagasa. ang gulo ngayon ng isip ko sa dami ng alaalang nagbabagsakan sa mura kong isipan. bata pa daw ako sa ng mga kaibigan at malayo pa ang mararating. nasaan na ba ako ngayon?

naaupo ako sa tabi ng isang puntod ng namatay. pakiramdam ko ang payapa at lutang ang damdamn ko. di ko maba sa ang kanyang pangalan. nakakaawa siya ang bata niya namatay. bente-tres. katulad ko. malayo nga rin ang narating niya:ang langit.

sa itsura ng bulaklak sa tabi ng kanyang puntod, marami ang nagmamahal sa kanya. sariwa pa at mabango ang ang isang bugkos ng pulang rosas sa tabi niya. nakakainggit siya, kahit wala na siya, maynagmamahal pa rin sa kaniya. may nakakaalala pa rin sa kanya. ako kahit magulang ko hindi na ako naaalala. naiwan sila sa probinsya namin kasi umalis ako doon ng walang papalam. ngayon nandito ako ngayon sa maynila,magisa. may matino namang trabaho at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. hilig ko lang ang pagkuha ng litrato.

umalis sa sa nahay namin noon at lumuwas ng maynila dahil gusto ko patunayan ang sarili ko sa mga magulang ko. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso. Ang kuya ko, may asawa na ngunit kahit na may sarili na itong pamilya. asensado parin siya sa trabaho, at proud sa kanya ang mga magulang niya. yung magulang ko , hindi. pariwara ako at wala daw mararating. dahil puro pangarap lang daw ako. hindi naman talaga nila ako minahal. nandun lang sila sa tabi ko dahil mga magulang ko sila at anak nila ako. yun lang ang dahilan na kailangan nila. wala nag iba. wala kahit pagmamahal. ang pagmamahal lang na alam ko ang pagmamahal ko sa sining ng pagkuha ng litrato.

nangarap tuloy ako na sa oras na mamatay ako, nais kong magkaroon ng puntod sa ilalim ng puno ng aratelis, at sa ilalim noon ang ang mga larawan na kinunan ko, ililibing din ito, kasama ng pangarap kong maging isang professional photographer. at pangangalang itong "Litrato at Pangarap".hanggnag pangarap nalang nga siguro ang pagkuha ko ng litrato. Lumalakas ang hangin at tila uulan. kelangan ko na ata umuwi, pero saan?  

nagayos ako ng gamit nginit sa lakas ng hangin tinangay ang ilang papel ko mula sa bag. isa-isa ko pa tuloy silang pupulutin. sa gitna ng aking pagpupulot, nakita ko ang isang pamilyar na larawan, marami pala sila. nakakumpol sila sa isang hinukay na puntod sa ilalim ng puno ng aratelis. napaluhod ako at inipon ang mga larawan. isi-isang tiningnan ang mga larawan at sumagi ang lahat sa aking alaala. akin itong mga ito! sumigaw ako. walang nakaring. binalikan ang puntod na tinabihan ko kanina.

kinamusta ako ng katotohanan, hanging mapagbiro at sirang kinabukasan.

Currently listening to: release it to the wild-
Currently feeling: morbid
Posted by soulgoth at 02:53 PM in drama | would you mind

June 6th, 2008

Dyamanteng Gawa sa Yelo at Rosas

sinakluban ako ng magkahalong halimuyak ng sampaguita at alikabok habang hawak-hawak ko nang mahigpit ang iyong unang alaala. alaalang nagpapasaya sa bawat pagpikit at pagdilat ng aking mga mata sa mundong hindi ko inakalang magpapangiti sa akin. salalmat sa pagiging dahilan ng aking bawat ngiti hanggang sa aking pagluha sa lubos na ligaya. mula ng punasan ko ang sariling luha sa aking pisngi hindi ka lumisan hanggang sa ako'y ngumiting muli.

muli, ninanais ko ang magdamag ay magtagal na tila hindi nagbubukang liwayway at hindi magtahalian. nais kong titigan ang mga bituin sa ilalim ng tulay; sa ilalim ng ating mga salitang makukulay; sa ilalim ng langit na dumudungaw sa likod ng buwan. ang naturang buwan na saksi, bawat gabi sa ating pagpapalit-palit ng ating damdamin: ligaya, pagtataka, pagdududa, at pagmamahal.

bukas na pintuan at bintana ang inaasam mula sa prinsesa sa madilim na kalangitan.  naghihintay na magpadala ng paru-paro na bitbit ang pagasang tila binibitawan. sana patuloy natin itong hawakan, kasabay ng paghawak ko sa kamay mo nang mahigpit. nais kong higpitan mo lang ang hawak, mas hihigpitan ko pa. sa paraang kapag napabitaw ka, hawak parin kita. hawak ko parin ang pagasa. salamat sa hindi mo pagbitaw...

hihinga ako ng malalim sa bawat pagsisid ko sa aking ligaw na panagko. ayaw mo ng pangako. mahirap magtiwala sa bawat pangako ngunit hindi ito dapat maging dahilan  ng ating paglubog. kung takot kang malunod, marunong akong lumangoy. handa akong mabasa sa gitna ng disyerto, sa gitna ng kalsada, sa gitna ng katotohan at mundo ng imbento. gusto ko mabuhay sa mundo ng imbento kahit isang araw man lang. doon walang takot at pangamba. walang ligaw na pangako at walang hangganan. kalayaan at imahinasyon ang umiiral. pagmamahal sa gitna ng kristal. dyamanteng gawa sa yelo at rosas. walang takot sa pagkakalanta kasabay ng tapang sa pagkakatunaw. 

Currently listening to: alert the armory- urbandub
Posted by soulgoth at 07:25 PM in drama | would you mind

May 14th, 2008

nang magmahal ang isang birhen

puso'y inalay sa isang birheng natagpuan sa gitna ng bukal. bukal na nagbibigay ligaya sa sinumang uminom dito. ngunit ang naturang birhen ay malungkot sa di malamang kadahilanan. sinikap pasiyahin at binigyan ng maraming pagkakataon ng ngumiti, tumawa, o mas mabuti kung siya'y hahalakhak. nabigo ang lahat ng pagkakatataon. nabigo hanggang sa huling pagasang inipon.

 

nagalay ng bulaklak, kuneho at liwanag, ngunit labi di parin natitinag. sinubukan ko siyang kausapin sa lahat ng paraan na alam, ngunit katahimikian lamang ang kanyng isinukli. katahimikan na bumingi sa kalawakan ng gubat; sa kalawakan ng langit na aming dal'wa ay parehong tiningala. wala na akong dahilan pang manatili sa pantasya. luha na lamang ang aking naibigay. luha na matagal na nahimlay sa kaloob-looban ko. luha na ni-minsan di ko inakala at ng iba'y di ko kayang ibigay. luha na muli kong naialay.

 

sa gitna ng aking mga mata perlas ng dalisay na luha ang nagsiagos sa aking mukha. unti-untiong yumuko, napaluhod, at tuluyan ng hinalikan ang lupa sa tabi ng paraiso at linis ng bukal. ang birhen ay aking natanaw sa gilid ng aking mga mata. sa unang pagkakataon, bumangon siya at naglakad. patungo sa akin. sa akin basag na larawan. sa aking basang kasuotan mga malalamig niyang kamay ay dumaloy at sa isang segundo nakaramdam ako ng init. init sa gitna ng mahamog na kagubatan. init na nagmula sa birheng naglakas loob na magmahal.

Currently reading: the virgin suicides
Currently feeling: it's complicated
Posted by soulgoth at 04:16 PM in drama | would you mind

May 1st, 2008

bisikleta

Patuloy ang paglakbay ng aking bisikleta

tinatahak ang kalsadang maraming alaala

lumingon sandali sa nadaanang aspalto

tumulo ang luha sa mga mata ko.

 

Binilisan ko ang pagpadyak at nagmadali

pinilit takasan ang dating hapdi

pinilit burahin ang alaalang basag

sa kristal na selda, puso'y nakabihag.

 

Tadhana'y pinihit sa ibang ruta

'di alintana ang iisipin ng iba

damdamin man ng pamilya'y himihikbi

ito ang landas ko at ako ang pumili.

 

itinuon ang paningin sa harap ng bisikleta

mariing nakatutok ang aking diwa

sa mga kahaharaping pagsubok at tagumpay

'di hihinto, hanggang sa mga binti'y mangalay.

Currently reading: sybil
Currently feeling: working
Posted by soulgoth at 09:40 AM in drama | would you mind

January 18th, 2008

hulog

"Natatakot akong mahulog, muli, sa di sinasadyang pagkakataon. natatakot ako sapagkat hindi ako sigurado sa babagsakan. kung meron ba o wala. pinipilit kong iwasan ang bawat kurba at lubak ng daan ngunit napapasubsob parin ako sa katotohanan. napadausdos na pala ako sa kinahuhumalingang sinta. ngunit hindi ko kayang tanggapin sapagkat ayaw kong tanggapin sa simula pa lamang; sapagkat sa simula pa lamang ang lahat ay mali na, mali pa. ngunit ginawa ko na ang lahat ng paraan, alam ko naman sa sarili ang kakayahan kong ipahiwatig ang nararamdaman. iyon nga lang ang nararamdaman ko'y di mapigilan. puso'y iginapos na ng sapilitan sa sulok ng aking pagkatao sapagkat hindi na siya ng papatalo. lumalaban, ngunit kahit saan mang angulo tingnan, ang direksyon parin ng lahat ay nasa maling puwesto, nasa maling dahilan ang aking puso dahil ang puso niya'y pagaari rin ng isa pusong nagmamahal tulad ko."
Currently feeling: tired
Posted by soulgoth at 10:02 PM in drama | 2 didn't mind

January 7th, 2008

bakit??!!

bakit ba kailangan kong magdusa?
bakit ba kailangan kong maghirap?
bakit ba kailangan kong masaktan?

wala naman akong karapatan...

Currently feeling: tired
Posted by soulgoth at 10:33 PM | 1 didn't mind

oo

"ilang ulit ko ng pinagisipan kung patuloy pa ba akong magpapakatanga...
ngunit ilang ulit na rin akong bumabagsak sa sagot na
OO."
Posted by soulgoth at 09:49 AM | would you mind

December 22nd, 2007

why?

why do i feel so depressed but their are no really cause?
why do i feel numb?
i'm numb but i can feel... weird.

have you ever felt that one sharp knife millimeters away from your heart?
why do i feel that? its because i have been pointed by the same knife ever since i let go of what normal people call 'emotions'.

emotions that colored this earth various hues but in my eyes all is black and white since i first saw it in such a way wherein colors just make everything out of place and disorganized. like a poem with a lot nonsense words that don't really tell ones heart to it.

telling what's inside ones heart is a mere violation of the rule keeping things for yourself. honestly i'm not a very vocal person and stays with my right of silence.

i ask again, why am i feeling these things.
is it because i don't let my feelings out or scared of the consequences of the telling process...

sigh...
why?
Currently listening to: pagagos by up dharma down
Currently feeling: sick
Posted by soulgoth at 01:29 PM | would you mind

December 18th, 2007

The Comfort of Death

"Emotions crush me as I scream for help; pressured by society; pushed by my own entity. But what's worse is that I already failed. a failure that marked a straight line of crack on my glass of wine filled with my dreams, yet those dreams haven't poured and wet the table napkins, it slowly leaks from the same crack, drop by drop my dreams are lost. Forever. I stained the table napkins that I once use to wipe my tears. But now I’m tearless, for I have shed it all, not for the same reasons. I feel dead yet I can speak. Dead yet I can still feel, the only good part is that when I’m dead, I’m free. Free to fly without any fear of falling; free to feel every emotion without adding more cracks on my glass; free to speak without hurting them as I sometimes hurt myself. But now it's not a big deal, I have been hurt enough not to feel anymore, I became numb. And it's comfortable. Yes, I’m comfortable when I’m dead."
Currently feeling: sad
Posted by soulgoth at 10:39 PM | would you mind
« Newer | »