July 12th, 2008
Litrato at Pangarap
Umaga. sinikap pangitiin ang sarili at ilabas ang ngipin sa bukas na bintana ng aking kwarto. kulang sa tulog at masakit na likod, hindi ko alam kung bakit pa rin ako nagrereklamo. late na ako. pero saan?
nag-toothbrush at naligo. wala na akong panahon kumain, kinuha ang camera at iniwan ang telepono. ayoko ng istorbo.
bakit ako nagmamadali. anong araw ba nagyon bakit wala masyadong tao sa kalye. mabilis ang aking lakad na animo'y tumatakbo na. nagmamadali. naghahanaap. tumatakas. pero san?
ang dami kong tanong at wala man lang naglalakas loob na sumagot. isa pang tanong, may nakakarinig ba sa akin? sa hailip na nagtatanong ako sa hangin patuloy nalng akong naglakad at sa wakas nakanahap ako ng magandang puwesto para kumuha ng litrato. maraming puno maraming damo, walang tao,at mga batong may may mga nakaukit na ngalan ng tao. kumportable ako sa simoy ng hangin, pinapakalma noto ang naghahabol kong puso. naghahabol ng hangin at pagasa. ang gulo ngayon ng isip ko sa dami ng alaalang nagbabagsakan sa mura kong isipan. bata pa daw ako sa ng mga kaibigan at malayo pa ang mararating. nasaan na ba ako ngayon?
naaupo ako sa tabi ng isang puntod ng namatay. pakiramdam ko ang payapa at lutang ang damdamn ko. di ko maba sa ang kanyang pangalan. nakakaawa siya ang bata niya namatay. bente-tres. katulad ko. malayo nga rin ang narating niya:ang langit.
sa itsura ng bulaklak sa tabi ng kanyang puntod, marami ang nagmamahal sa kanya. sariwa pa at mabango ang ang isang bugkos ng pulang rosas sa tabi niya. nakakainggit siya, kahit wala na siya, maynagmamahal pa rin sa kaniya. may nakakaalala pa rin sa kanya. ako kahit magulang ko hindi na ako naaalala. naiwan sila sa probinsya namin kasi umalis ako doon ng walang papalam. ngayon nandito ako ngayon sa maynila,magisa. may matino namang trabaho at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. hilig ko lang ang pagkuha ng litrato.
umalis sa sa nahay namin noon at lumuwas ng maynila dahil gusto ko patunayan ang sarili ko sa mga magulang ko. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso. Ang kuya ko, may asawa na ngunit kahit na may sarili na itong pamilya. asensado parin siya sa trabaho, at proud sa kanya ang mga magulang niya. yung magulang ko , hindi. pariwara ako at wala daw mararating. dahil puro pangarap lang daw ako. hindi naman talaga nila ako minahal. nandun lang sila sa tabi ko dahil mga magulang ko sila at anak nila ako. yun lang ang dahilan na kailangan nila. wala nag iba. wala kahit pagmamahal. ang pagmamahal lang na alam ko ang pagmamahal ko sa sining ng pagkuha ng litrato.
nangarap tuloy ako na sa oras na mamatay ako, nais kong magkaroon ng puntod sa ilalim ng puno ng aratelis, at sa ilalim noon ang ang mga larawan na kinunan ko, ililibing din ito, kasama ng pangarap kong maging isang professional photographer. at pangangalang itong "Litrato at Pangarap".hanggnag pangarap nalang nga siguro ang pagkuha ko ng litrato. Lumalakas ang hangin at tila uulan. kelangan ko na ata umuwi, pero saan?
nagayos ako ng gamit nginit sa lakas ng hangin tinangay ang ilang papel ko mula sa bag. isa-isa ko pa tuloy silang pupulutin. sa gitna ng aking pagpupulot, nakita ko ang isang pamilyar na larawan, marami pala sila. nakakumpol sila sa isang hinukay na puntod sa ilalim ng puno ng aratelis. napaluhod ako at inipon ang mga larawan. isi-isang tiningnan ang mga larawan at sumagi ang lahat sa aking alaala. akin itong mga ito! sumigaw ako. walang nakaring. binalikan ang puntod na tinabihan ko kanina.
kinamusta ako ng katotohanan, hanging mapagbiro at sirang kinabukasan.